Saturday, February 26, 2011

Shoutouts (and Sayings)

There are a lot of things going on in my head. They are good enough as FB statuses or tweets, but then I decided to put them together in one blog posts.

Warning: the content of this post is only the opinion of the author. No particular person or event is being singled out by these sayings.

Ang hirap talaga ng buhay ng babaeng may paang size 10. Yung mga designs na gusto ko, hanggang size 9 lang ang available. Hmp!

Hoy, babae! ‘Wag kang umastang parang may utusan palagi! Konting respeto naman sa nakatatanda.

Pasensya naman kung ang kinasanayan kong buhay ay ‘di hamak na simple kumpara sa buhay mong laging nakabitin ang isang paa sa hukay.

Alam mo, mas marami ka pang maaakit na friends kung babawasan mo ng kahit konti ang ere mo sa ulo. Try mo, kahit once lang.

Sige na, ikaw na ang perfect. Ikaw na ang engkandiyosa ng buong mundo!

Mabuti na ang baboy kesa hipon.

Kahit siguro hindi ka na niya mapatawad, ang importante eh buong puso kang humingi ng tawad sa kanya.

Alam mo kung ano ang ginawa mo? Pinapaasa mo siya. Kahit na sabihing minahal mo siya, the fact na nagbigay ka ng rason para bitinin siya sa ere eh pinapaasa mo na siya. Mabuti kung nakapag-hintay siya. Ang kaso mo, hindi.

Ikaw naman, sana man lang nagpaalam ka sa kanya kung nag-decide kang bitawan mo na siya. Siguro naman may karapatan siyang malaman kahit papaano, ‘di ba?

No comments:

Post a Comment